EXCHANGES BETWEEN TWO DEEPLY CONCERNED FILIPINOS ON THE ARMED
STRUGGLE IN THE PHILIPPINES
In a message dated 8/26/06 4:41:31 PM,
dpmasia@yahoo.com writes:
<< Prof. Sar,
ceasar1185@aol.com wrote:
Dapat talaga itigil na ang patayan at ang "Armed Struggle".
While watching the video, at the back of my mind was this: sayang
ang mga buhay ng mga bata na ito kung mamatay lang na walang silbi.
Isang pananaw lang
yang binanggit mo.
Ang pananaw naman ng
mga kabataan at hindi na kabataan na nagtatayo at nagpapatakbo ng
gobyerno sa mga kanayunan ay ganito (mapipickup mo ito sa video):
Nagkakaroon ng silbi
ang buhay nila kapag sila ay tumutulong sa pagtatayo ng progresibong
lipunan at gobyerno doon; tulad ng sinabi sa video, sila ay ginagawa
dun ng mga trabaho ng DepEd, DPWH, DOH, DSWD, etc. Ang tawag nila sa
mga yan ay simpleng "Serve the People". Mamatay man sila (at marami
na nga ang namatay), hindi yun yong sinasabi mong "mamatay na walang
silbi", kundi pagkamatay na may kabuluhan. Kaya nga tinatanghal
silang mga martir ng bayan at nagiging mga paksa ng mga tula, mga kanta, mga artikulo at nagsisilbing modelo para
sa mga kabataan.
Tungkol naman sa
tinatawag mong "Armed Struggle": kung toothpick lang ba ang bitbit
nila, may pang depensa ba sila sa mga rapists, murderers, cattle
rustlers, armed goons ng mga asenderos, death squads, atbp. sa mga
area na inaadminister nila? Pwede bang toothpick lang ang bitbit ng
binubuo nilang Committee on Self-Defense/Barrio Revolutionary
Committe (na tinukoy sa video docu) at labanan ang mga goons, atbp.?
Ang sa itaas naman
ang mga napasok sa isip ko at napulot habang pinapanood at inuunwaan
yong ABC-TV5 documentary. Kaya pala sinubukan ng MTRCB na pigilan
ang airing nito (at pina-delete yata ang ilang frames) dahil
nakakapag trigger sa mga nanonood na mag-isip at mag-analisa.
Mon
+ + + + + + + + + +
Dear Mon,
Ang galing nito.
Kung sana magkakaroon ng kapayapaan sa Pilipinas, itong mga
partisans ng National Democratic Front ang puedeng tumulong na
i-angat ang katayu-an ng ating mga pulubi sa kanayonan. Hindi na
sila kailangan magpunta sa Metro Manila para mabuhay sa basura at pag-pag at maging alila at sex
workers sa ibang parte ng mundo.
Totoo kaya itong
balak ni Defensor ng bata pa siya sa UP? Posible. Kahit elite ang
kanyang familya. Marami ding mga "idealistic" diyan.
Of course, hindi
sinasabi dito ang maaring maging resulta ng hidwa-an na ito: iyong
nangyari sa Cambodia with its mountains of skulls, and killing
fields, iyong mga "Tiwali" at "Simang" na ini-invoke iyong pangalan
ng NDF na ang tingin ng iba mga bandido na at extortionists. Nothing
is said also about nationalization of industries and confiscation of
private properties na kinatatakotan ng marami, lalo na iyong masipag
lang maghanapbuhay. Di bale na iyong mga plunderers and looters. Sa
bagay, kung si Senator Jamby Madribal ay handing makipagtalakayan sa
NDF, maaring panibago na paraan ang posibleng tahakin ng a more
nationalist government in the Philippines na kasama hindi lang iyong
NDF, pero pati lahat ng "progressive forces" at other sectors.
Si Evo Morales sa
Bolivia, hindi naman nag-nationalize ng industries doon. Ala Frente
Amplio ang kanilang stratehiya.
Besides, because of
terrorism, the intensification of poverty all over the world,
massive ignorance, global warming, I think there is a new mindset
among the rich in the world such as Bill and Melinda Gates, Warren
Buffet, Bono, Turner, at lalo na si Angelina Jolie na gustong i-adopt
iyong mga kawawang sanggol sa mundo. At sa atin sa Pilipinas,
nandiyan si Mr. Gokongwei. Seguro kami na rin sa labas ng Pilipinas
na kahit pipitsugin at kaliliit ng mga tulong.
Dapat talaga itigil
na ang patayan at ang "Armed Struggle". While watching the video,
at the back of my mind was this: sayang ang mga buhay ng mga bata
na ito kung mamatay lang na walang silbi.
Cesar Torres
+ + + + + + + + + +
-----Original Message-----
From:
dpmasia@yahoo.com
To:
botomo@yahoogroups.com
Sent:
Sat, 26 Aug 2006 4:11 AM Subject: [botomo] Video/Stills: ABC-TV5 Frontlines docu on
the NDF government in Bicol
On August 23,
ABC-TV5's new program, Frontlines, broadcast a documentary on the
NDF in Bicol, focusing on the operations of the "shadow" government
run by the NDFP in the areas it controls.
The Frontlines
documentary also featured the NDF-Bicol tri-media group that
operates the broadcast through VCD and audio tape programming and
production, and distribution to its constituents in the region.
The documentary is
posted in this website. Also posted is a
www.bulatlat.com story titled, "Battlefield Bicol" written by
one of its writers who did interviews at an NDFP area in the region.
Please visit
www.arkibongbayan.org, or: http://www.arkibongbayan.org/2006-08August25-FL/abc-5%20frontline.htm
Arkibong Bayan Web
Team
post comment
|
0 comment
|